Doktor na diumano'y nag-duty ng tatlong shift nang tuloy-tuloy, binawian ng buhay

Umantig sa mga netizens ang mensahe ng kapatid ng isang nasawing doktor. Agad itong nag viral sa Twitter.

Isang kaibigan ng doktor na si Dr. Wilbur Jan Robert Demafiles ang nagtanong kung totoo ang balita tungkol sa pagkamatay ng doktor.

Ayon sa nagpakilalang kapatid ng doktor, cardiac arrest umano ang dahilan ng pagkamatay niya dahil sa tatlong beses na tuloy-tuloy na pagtatrabaho bilang isang frontliner na gumagamot sa mga COVID-19 patients.

Ibinahagi ng Twitter user na may handle na @orvillage ang naging pag-uusap nila ng kapatid ng nasawing doktor.


Umani ng pagpupugay para sa kabayanihan ng doktor at pakikiramay sa pamilyang naiwan ang nasabing Twitter post.

"Salamat po sa mga magulang ninyo, sa pagpaparaya sa inyo kapatid para makapaglingkod sa bayan. Nakikiramay po ako."

"This is sooo heartbreaking. RIP doc, you are a hero. All frontliners are risking their lives to save lives."

"Gone too soon! Wag naman sana ganun. Ingatan din dapat ng mga frontliners sarili nila. Sana etong mga hospital directors or kung sino man, bigyan naman nila ng pahinga ang mga staff nila."

"Wala siyang ibang gusto kundi makatulong sa nangangailangan. Wala siyang ibang goal kundi magpagaling. Hindi ko man siya kilala pero ang sakit. Nakikiramay kami."


Samantala, wala pang nailalabas na official statement ang pamilya ng nasawing doktor hinggil sa dahilan ng pagpanaw ni Dr. Demafiles.

Gayunpaman, sa isang Facebook post ng isang malapit sa kanya, nabanggit nito ang tungkol sa dedikasyon nito sa kanyang trabaho.

Ayon sa Department of Health, 766 health care workers na ang nag positibo sa COVID-19. 339 dito ay doktor at 242 ang mga nurse. Umabot na sa 22 ang pumanaw na health care worker sa bansa dahil sa COVID-19. Sa kasalukuyan, umabot na sa 6,259 ang positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. 409 dito ang nasawi at 572 ang gumaling.