Francis Marcos binenta ang bahay sa halagang 40 Million para itulong sa taong bayan

Bumuhos ang suporta para sa isang mayamang good samaritan na sinasabotahe umano ng mga mayayamang kapitbahay ang kanyang ginagawang pagtulong sa mga nangangailangan yan ay si Francis Leo Marcos.

Sa mga video ni Francis Leo Marcos, sinabi nitong nawala ang kanyang Facebook matapos niyang hamunin ang mga kapwa mayayaman na kapitbahay na tumulong din sa mga Pilipino na apektado ng COVID-19 pandemic.


Kuwento ni Marcos, nag-vlog siya noong March 30 kung saan kinalampag niya ang kanyang mga kapitbahay at pagkagising niya noong March 31 ay inulan siya ng reklamo ng mga ito.

Sa isang video sinabi ni Marcos ang kanyang isang ultimate challenge, ang pagbenta ng kanyang sariling bahay sa halagang P40 Milyon upang ipambili ng bigas na ipapamigay sa kanyang mga kababayan.

At sa kabila nito, syempre nandyan ang mga walang magawang tao na wala na ngang naitutulong naninira pa imbes na suportahan sinisiraan pa.

Panoorin ang video dito: