Kaanak ni Dr. Carmina Fuentebella, nagbahagi ng update ng kalagayan ng doktor

Unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ng 26-anyos na si Dr. Carmina Fuentebella na napabalitang nag positibo sa COVID-19 kamakailan.

Ayon sa panayam ng News 5 kay RJ Palad na pinsan ng doktor, excited na ang kanilang pamilya na makauwi na ang 26 anyos na resident doctor ng UST Hospital.


“She's out of the woods. Let's just say, the worst is over. The family is excited for her to come home,” aniya.

Sa isang Facebook post naman na ibinahagi ng Facebook Page na I Love Antique, labis ang pasasalamat umano ng kaanak at pamilya ng doktor sa pagbuhos ng panalangin para kay Dr. Fuentebella. Patuloy umanong umaayos ang kalagayan niya ta natanggalan na ng tubo.


"Dr. Carmina Fuentebella was extubated yesterday and is improving! Thank you very much for all your concern and prayers."

Tuloy pa rin ang paghingi nila ng panalangin sa tuluyang paggaling niya.

"The parents, siblings, relatives and friends are truly grateful to everyone who were with us in prayers and sacrifices. We are also eternally in debt to the doctors and nurses who made sure that she gets to where she is now. You are all blessings to the whole family."

Isa lamang si Dr. Carmina Fuentebella sa mga frontliners na tinaaan ng COVID-19. Mahigit sa 700 na ang tinamaang doktor at nurse ayon sa ulat ng DOH.