Modern day hero: 26-anyos na doktora, kritikal dahil sa COVID-19

Isa pang frontliner ang nakikipaglaban para sa kanyang buhay matapos tamaan ng coronavirus disease.

Humihiling ng panalangin ang pamilya at mga kaibigan ng 26-anyos na doktor na si Carmina Fuentebella. Ayon sa mga ito, nasa isang ospital ang doktora na kasalukuyang naka-intubate at nasa kritikal na kondisyon.


Sa Facebook post ng netizen na si RJ Palad, humiling ito ng panalangin sa kanyang mga kaibigan para sa pinsan.

"You are a blessing to everyone around you! Keep on fighting! The whole family and so many friends are praying for you.

"Si Kuya na bahala sa lechon and chicharon soon. OKs? :)

"Friends, if it's not too much to ask, kindly Include my cousin in your prayers," anito.


Maraming netizens ang nag-alay ng kanilang panalangin at humiling na gumaling na ito.

"Urgent need for prayer warriors to offer prayers of healing to one of our frontliners - Dr. Carmina Fuentebella, 26 years old, UST resident doctor who is now intubated and in critical condition.

"God is not finished with you yet, you will be healed and restored to good health in Jesus name, Amen," ayon kay Marion Venancio Oro.

"Please pray for the speedy recovery of our Kapatid Dra. Carmina Fuentebella," sabi naman ni ‎Shine Dela Cruz‎.

"Let's PRAY for the FAST RECOVERY of DR.CARMINA," ani naman ng netizen na si ‎Carin Manuela.

Isa lamang si Dr. Fuentebella sa mga frontliners na isinakripisyo ang sariling kaligtasan at buhay dahil sa tawag ng kanilang sinumpaang tungkulin.