Sen. Bong Revilla, naglabas ng sama ng loob sa naging pahayag ni Yorme Isko Moreno

Inalmahan ni Senator Ramong "Bong" Revilla Jr. ang naging pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso laban sa mga taong nasa pwesto na namumulitika lamang at walang ginagawa sa gitna ng krisis ng pagsugpo sa paglaganap ng COVID-19.

Ani Sen. Bong, masakit para sa kanya ang pang-uupak na ginawa ni Mayor Isko lalo at tinuring niya itong kapatid dahil parehas silang malapit sa yumaong si German Moreno o si Kuya Germs.


Aniya, limitado din ang kanyang kakayahan sa pagtulong dahil sa lawak ng kanilang nasasakupan sa Cavite. Dagdag pa rito ay ang dalawang beses niyang pagkaka-quarantine.

"Huwag naman, huwag ganun. Tulungan tayo. Hindi ito ang panahon ng pagbatikos," ani Revilla kay Yorme.

Dagdag pa ng senador, kailangan tugunan sa ngayon ang gutom ng mga tao at hindi dapat magsiraan.


Sa tingin niya kulang pa rin ang tulong na naipapaabot sa taongbayan dahil hindi umano sapat ang pondo ng bayan.

Panoorin ang video dito:


Sa kasalukuyan, umabot na sa 3,018 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa at 136 na ang nasawi habang 52 naman ang naka-recover ayon sa Department of Health.