Francis Leo Marcos, nagpahatid pa ng tulong sa viral na lola bago arestuhin ng NBI


Nagawa pa umanong magpahatid ng tulong ni Francis Leo Marcos sa isang viral na lola na umulan at umaraw ay di umaaalis sa bangketa ng Pasay City.

Nalaman ng Trending Bytes na nakita ni Marcos ang post ng nagmalasakit na netizen na si Steffie Han matapos niyang makita ang matanda sa bangketa.

Nadurog daw ang puso ni Marcos kaya naman agad niyang pinakilos ang kanyang "FLM team" para mahanap ang tamang tao na makapagtuturo sa kinaroroonan ng matanda.

Natunton naman nila ito at agad na inaksyunan ang kalagayan nito. Napaliguan, nabihisan at naabutan pa ng ibang pangangailangan ang lola.

Bakas sa mukha nito ang kaligayahan taliwas sa itsura nito noong siya ay nasa bangketa pa.

May 17 nang ibahagi ni Marcos ang pagtulong nilang ginawa sa lola. Makalipas ang dalawang araw, dinakip na siya ng NBI sa paglabag nito sa optometry law.

Sinasabing nagkaroon umano si Marcos ng eye care program kung saan namigay siya ng mga prescription glasses na kahit na wala naman siyang lisensya para gawin ito.

Narito ang kabuuan ng video ng pagtulong nila sa matanda mula sa Pasay City:

Si Francis Leo Marcos ay ang social media star na nasa likod ng "Mayaman challenge." Hinihimok niya ang mga mayayaman na tularan at pamarisan ang kanyang ginagawang pagtulong sa ating mga kababayang lalong naghihikahos ngayong humaharap sa krisis ng COVID-19 ang ating bansa.