Security guard na matiyagang nagtuturo sa batang lansangan, umani ng papuri


Agaw eksena sa social media ang larawan ng isang security guard na matiyagang nagtuturo sa isang batang lansangan.

Ayon sa Philippine Star, binahagi ito ng netizen na si John Robert Flores na siyang kumuha ng larawan.

Nalaman ng Trending Bytes na hindi lamang pala isa ang tinuturuan ng sekyu dahil nasa limang bata raw ang natuturuan nito.

Gamit at papel at ballpen, pinagbabasa niya at pinagsusulat ang paslit habang siya ay bantay sa pawnshop.

“Meron siyang busilak at mabuting puso para sa mga batang nangangailangan ng tulong. I salute you kuya sana patuloy ka parin bigyan ng blessings ni Lord,” pahayag pa ni Flores.

Sa panahon ngayon na tila malaking tanong pa sa mga magulang ang muling pagpasok ng kanilang mga anak sa paaralan, mas lalong walang kasiguraduhan ang edukasyon sa mga batang lansangan na tulad ng tinutulungan ng sekyu.

Malaking bagay na nabibigyan niya ito ng oras at kaalaman na hindi maibigay ng ibang tao sa mga batang ito.

Dahil dito, umani ng papuri ang sekyu mula sa mga netizens na ang hangad din ay biyaya para sa mabuting puso ng security guard.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"This is the Palawan branch where I make my monthly transactions ever since the quarantine started. Super Duper bait ni Kuya, I swear, they follow prper social distancing!!! He made marks on the floor and chairs on where people should stand/sit. This is just past Cartimar"

"One time nagpabili siya ng bottled water kasi di siya pwede mag leave ng post, binilhan niya din yung bumili."

"Bihira ang ganitong tao, yung handang magbigay ng kung ano ang kaya niya lalo na sa mga batang tulad nito"

"I wish he will be given a chance to go back to school and take education (whatever he likes neways). I bet Kuya Guard would become a great and dedicated educator. My heart is full seeing this"

"I salute on you, its not only money we can lend, but sharing time, efforts and knowledge to our fellow is a great help too. Mabuhay"