Sekyu na nagpaanak sa buntis sa daan, umani ng papuri mula sa netizens

Viral ngayon ang pagtulong ng isang security guard sa buntis na bigla na lamang umanong napaanak sa kalsada nitong Abril 29 sa Taguig City.

Nakilala ng Radyo Singko 92.3 News FM ang sekyu na si Niel Atibagos na noo'y duty sa AFPOVAI Subdivision.

Napadaan ang ginang na bibili lamang sana ng alcohol nang makaramdam na ito ng pagkirot ng sinapupunan.

Ayon sa One Cavite, Hindi na nito napigilang mapaanak at agad namang sumaklolo ni Atibagos.

Makikita sa larawan na hindi iniwan ng sekyu ang mag-ina hanggang sa dumating na ambulansiya na magdadala sa kanila sa Army General Hospital.


Proud ang uploader na si Lovely Ramos sa ginawa ng guard dahil naging matagumpay ang panganganak ng ginang sa isang malusog na sanggol.


Maging ang mga netizens ay humanga sa ginawa na ito ng guwardiya na higit pa sa kanyang tungkulin ang naitulong nito sa mag-ina.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"May God bless keep and guide you always Sir isa kang mabuting mamamayan. we salute you po!"

"Kuya proud po ako sa inyo isang buntis din po ako sana lahat ng tao ganyan may mabuting loob at handang tumulong. God bless you po sayo kuya ang Diyos na ang bahala po sa inyo"

"Good job kuya GodBless.nakakatuwang isipin na may mga taong gamito pa sa oras ng pangangailangan.tulungan talga ang ating kailangan sa panahon ngayon.alisin natin ang pagiging makasarili at maging mapagkumbaba tayo sa Diyos."

"Saludo ako sa tapang at galing mo Sir.God bless to the mother and baby."