Wais! Misis, ginulat ang barberong mister sa naipong ₱217,000 mula sa mga tip


Habang ang karamihang pamilyang Pilipino ay namumroblema dahil sa "no work, no pay" na sistema ngayong naka-quarantine pa rin ang Metro Manila at ilang mga lugar, isang pamilya ang tila hindi gaanong naapektuhan ng krisis na nagaganap ngayon.

Nalaman ng Trending Bytes na barbero ang trabaho ng mister ngunit ng mga may kaya at propesyunal na tao kaya naman nakakatanggap ito ng may kalakihang tip sa maghapon.

Ang misis naman ay simpleng may bahay na wala ring gaanong luho at sapat na ang nasa ₱350 lamang ang budget para sa gastusin sa ordinaryong araw nila.

Nasa ₱1700 o 400 ang tip ng mister kada araw. Iyon ang ibinibigay niya sa misis dahil iyon ang kanilang napagkasunduan.

Lingid sa kaalaman ng mister na iniipon pala iyon ng misis na wala namang luho sa katawan.

Marso 16 nang magdeklara ang enhanced community quarantine sa Luzon. Noon pa ma'y nag-alala na ang mister dahil sa tigil muna ang kanyang trabaho at mananatili lamang ang mga mga tao sa kani-kanilang mga bahay bilang pag-iingat sa paglaganap ng COVID-19.

Habang dumaraan ang mga araw, nagtataka raw ang mister na masasarap pa rin ang ulam ng kanilang pamilya.

Pangiti-ngiti lamang ang misis na ipinakita sa mister ang naipon niyang pera mula sa mga tip nito.

Umabot sa ₱217,000 ang kabuuan ng naipong pera ng misis na napakalaking bagay ngayon na pansamantalang walang trabaho ang mister.

Narito ang kabuuan ng post na binahagi ng Peso Sense:



Kaya naman payo niya sa mga misis na tulad niya, matutong mag-ipon at maging masinop. Tularan daw siya na hindi "ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga."

Sa pag-iipon din kasi makukuha ang tiwala ng mister para hindi raw sila pagtaguan ng pera dahil alam nilang napupunta ito sa inyong mabuting pangangalaga.