Andi Eigenmann, nagpasalamat sa mga taga probinsya ng Siargao dahil sa natatamasa nyang kasiyahan ngayon


Mula nang magkaroon ng simpleng buhay si Andi Eigenman sa Isla ng Siargao, marami ang humanga at bumilib sa kanya lalo na at nakikita ang joy at contentment sa kanya.

Pero, hindi lang naman ang kanyang pamilya, ang view o ang isla ang nagpapasaya sa kanya. Bukod sa mga ito ay kasama sa mga ipinagpapasalamat ni Andi ang mga locals o mga taong nakatira sa isla.

"Thankyou @marjaabadgirl and @katarinarodri for your wonderful words. Now I am inspired to write my own! Everyone knows that my love for the island I have been eager to learn to speak their dialect, eat their delicious food and live like the nature loving islander that I am because of the respect I have I have for them and the island," kwento ni Andi sa kanyang IG.

Talagang napalapit si Andi sa mga locals dahil habang tumatagal ay nalalaman na niya ang kanilang mga kwento. Kaya hindi nakapagtataka na ang iba ay naging kaibigan, barkada at kumpare o kumare pa nya.


"They don’t only make me feel safe in the water, but were the ones that have opened my eyes to the beauty of the island well. They made me realise how living simply can do so much to make a person truly happy. These people, to me, are family," paglalahad pa ni Andi.

Siyempre, hindi rin naman magiging posible na makilala niya ang mga ito kung hindi dahil sa kanyang partner na si Philmar. Siya ang naging tulay para maranasan ni Andi ang sayang itong nakita niya sa isla.


"All thanks to my mahal @chepoxz, most especially. Who is the kindest most caring person I know. He didn’t have a lot the time we met, but he gave me and shared with me everything of him. That to me, is priceless. i know that I wouldn’t have the life I have now if not for all of them," dagdag pa niya.

Kaya naman, mensahe ni Andi sa mga bibisita sa Siargao o sa ibang mga isla na kasama sa mga pangangalagaan natin ay ang mga tao doon, bukod pa sa kapaligiran ng isla.