‘Hindi niyo kami mapapatumba,’ Maja Salvador, may mensahe sa ‘kalaban’ ng ABS-CBN


Sa pamamagitan ng social media, muling naglabas ng saloobin ang aktres na si Maja kaugnay ng ginawang pagbasura ng Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN Broadcasting Corporation.

“Hindi niyo kami mapapatahimik! Hindi niyo kami mapapatumba,” tweet ng Kapamilya star nitong Sabado na umani ng higit 35,000 reactions.

“Lalaban at lalaban kami dahil matibay kami! Just like gold, ABS-CBN is indestructible,” patuloy niya.


Kabilang si Salvador sa mga personalidad na lumahok sa malawakang protesta nitong Sabado para ipanawagan ang pagbabalik sa himpapawid ng istasyon.

Nakapost din sa Instagram ang kaniyang larawan habang nasa loob ng ABS-CBN compound.

Matatandaang ‘pinatay’ ng House Legislative Franchises panel noong Hulyo 10 ang aplikasyon ng Kapamilya network para sa bagong prangkisa.