Ilang ABS-CBN stars, binigla ang marami sa kanilang guesting sa ‘Eat Bulaga!’


Kamakailan nga ay naging opisyal na ang desisyon ng Kongreso na ibasura ang franchise renewal ng ABS-CBN Network.

Nalaman ng Trending Bytes na ang lang bigating artista ng Kapamilya network ay napapanood na sa GMA-7 TV show na Eat Bulaga!

Nitong mga nakaraang linggo ay napapadalas nga ang guesting ilang bigating ABS-CBN stars sa “Bawal Judgemental” na segment ng nasabing show.

Narito nga ang ilan sa kanila:

Kim Molina

Si Kim Molina ay kilalang artista at singer. Ilan sa mga naging palabas niya sa ABS-CBN ay ang The General’s Daughter, Kadenang Ginto, ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Meg Imperial

Si Meg Imperial ay isang aktres at tanyag na model. Bagama’t siya ay may iba’t-ibang proyekto sa parehas na network ay madalas din siyang mapapanood sa Ipaglaban Mo at Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN.

Louise delos Reyes

Si Louise delos Reyes ay naging Kapuso na noon. Pero, pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN at napanood nga siya sa mga palabas na Ipaglaban Mo, Asintado, at FPJ’s Ang Probinsyano.

Pokwang

Si Pokwang ay isa sa mga kilalang komedyante sa ABS-CBN. Ilan nga sa mga palabas niya ang Ipaglaban Mo, Maalalal Mo Kaya, Banana Sundae, Till I Met You, at Make It With You.

Richard Yap

Si Richard Yap ay isang actor, recording artists, at businessman. Nakilala siya bilang si “Sir Chief” sa kanyang role sa Be Careful with My Heart at bilang “Papa Chen” sa My Binondo Girl.

Isa nga ang ABS-CBN sa bigating network sa bansa. Marami na nga itong mga award-winning na artista at palabas na naibahagi sa mga Pinoy.

Subalit, noong Biyernes ay opisyal nang ibinasura ng Kongreso ang pagre-renew ng prangkisa ng ABS-CBN. Nasa 70 na mambabatas ang bumoto ng “yes” upang tuluyang i-deny ang franchise application nila.

Samantala, maging ang mga Kapuso stars ay nalungkot din at ibinahagi ang kanilang saloobin sa naging desisyon ng Kongreso na huwag ituloy ang prangkisa ng Kapamilya network.