Kakilabot! Netizen, nakita ang pangalan ni “Jesus” sa gitna ng kakaibang kulog at kidlat


Tampok sa social media ngayon ang litratong kuha ng isang netizen nang magkaroon ng malakas na pagkulog at pagkidlat sa Nueva Ecija.

Nalaman ng Trending Bytes na bandang alas-8 ng gabi ay kakaibang thunderstorm ang namataan ng netizen sa Brgy. Balingog East sa Guimba.

Ayon sa Facebook post ng ABS-CBN News, dahil sa pagkabighani ni Jesstine Mateo Nilo sa kidlat ay kinuhaan niya ito ng video.

Matapos niyang makuhaan ng video ito, pinagsama-sama niya ang screenshot nito at nabuo niya nga ang pangalan ni “Jesus.”


“I had the chance to witness last night's breath-taking thunderstorm. First time ko makakita ng tuloy-tuloy na pagkidlat,” aniya.

“Since wala namang ulan, I had the opportunity to record it. Upon reviewing the video kanina, napansin ko itong mga 'to, so I compiled them,” dagdag niya pa.

Samantala, maging ang ibang mga netizens ay nabighani rin sa pangalang nakita ni Jesstine lalo na ngayong may COVID-19 crisis na hinaharap ang bansa ngayon.

“Wow! Its a Miracle really.!JESUS moves in mysterious way...!”

“its beyond beauty thank you Lord for keeping us all safe everyday.”

“Jesus is the only way for us to be saved”

“What an amazing coincidence. Talagang may ibig ipahiwatig na mensahe yan... Wisdom mga kristohanon...”

“In any way possible, HE always reminds us, his children, that he exists and that he is coming soon. May God bless us all.