Magkapatid na Angelika at Mika dela Cruz, nagluluksa sa pagpanaw ng ama


Isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ni Angelika dela Cruz para sa kaniyang ama nitong Sabado, July 4.

Kalakip ng kanyang pamamaalam, ibinahagi niya ang ilang litrato ng kanyang ama at ng kanilang pamilya.

"Daddy, you are my best friend ang kakampi ko sa lahat .. I’m heartbroken dahil iniwan moko agad .. I love you so much Dad Mabuti kang tao na maraming tinulungan.. pahinga ka na .. Rest in Peace Dad .. "


Sa kabila ng kalungkutan, masaya umano ang aktres para sa ama dahil magkasama na sila ng yumaong kapatid nilang si Edward. Matatandaang nasawi ang kanilang kapatid sampung taon na ang nakalipas dahil sa isang vehicular accident.

"Masaya ako para sayo at mag kasama na kayo ni Edward .. till we meet again .. mahal na mahal kita #daddysgirl"

Marami sa mga artista at netizens ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa pamilya nina Angelika. Ilan sa mga nakiramay ay sina Judy Ann Santos, Tanya Garcia, Gladys Reyes, Geoff Eigenmann at marami pang iba.


Si Angelika dela Cruz ay isang aktres na kasalukuyang nanunungkulan bilang Punong Baranggay ng Barangay Longos sa Malabon. Kapatid niya ang aktres na si Mika dela Cruz.

Matatandaang humiling ng tulong si Mika upang ipagdasal ang mabilis na paggaling ng kanilang ama nitong nakaraang buwan. Bumuhos ang dasal para sa kanilang ama matapos ibahagi ni Angelika ang isang madamdaming mensahe para sa ama.