Mga labi ni Ramon Revilla Sr, inihatid na sa huling hantungan


Inihatid na sa huling hantungan ang mga labi ni Ramon Revilla Sr., base sa video sa Facebook ng anak niyang si Senator Bong Revilla Jr.

Makikita sa nasabing video ang mataimtim at talagang pinaghandaang service para sa yumaong dating senador.

Mapapanood din sa video si Senator Bong Revilla Jr. na talaga namang mukhang malungkot at nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang ama.

Bagamat siya ay nagdadalamhati, sinusubukan pa rin ng senador na maging matatag alang-alang sa kanyang pamilya at mga taga-suporta.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Bong Revilla Jr. ay isang aktor at senador sa Pilipinas. Asawa niya si Bacoor Mayor Lani Mercado at anak nila si Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Naging laman ng balita si Bong nitong mga nakaraang linggo nang isugod sa ospital ang kanyang ama, si Ramon Revilla Sr. Talagang binantayan ng senador ang kanyang ama sa ospital at nag-sabi pang unti-unti nang gumagaling ang kanyang magulang.

Dahil dito, marami pa rin ang nagulat nang i-anunsyo ni Bong Revilla na namayapa na ang kanyang ama noong Hunyo 26. Isa sa mga nakiramay sa Revilla family ay ang dating Pangulong Joseph Estrada. Nakikiramay din ang Trending Bytes sa mga naulila ni Ramon Revilla.