Papanagutin ang may sala! Ina ni Jang Lucero, lumapit na kay Erwin Tulfo


Idinulog ng ina ni Jang Lucero sa programa ni Erwin Tulfo na Tutok Tulfo para humingi ng tulong sa paghahanap ng hustisya para sa pagkapaslang sa kanyang anak.

Nais niyang mapaembistigahan ang karelasyon ng anak na si Meyah Amatorio matapos niyang makatanggap ng mga kopya ng umano'y mga mensahe ng anak na nagpapakita ng kanyang mga pasa na gawa ng karelasyon dahil nais na nitong makipaghiwalay kay Meyah.

Sa isang panyam ay mariin na itinanggi ni Meyah ang mga akusasyon at hindi niya umano magagawa iyon sa kanyang kasintahan.

Hindi rin umano totoo ang lumabas na balitang nagtatago na siya at nagbabalak na pumunta sa ibang bansa. Aniya, kung gagawin niya yun, parang pinatunayan niya lang na may kasalanan siya sa pagkamatay ni Jang.

Agad namang inaksiyonan ng news anchor ang hiling ng ina ni Jang na huwag hayaang makalabas ng bansa si Meyah.

Sa isang panayam ay kinausap ni Erwin Tulfo ang acting spokesperson ng Bureau of Immigration na si Melvin Mabulac. Gayunpaman, maari lamang nilang maharang ang paglabas nito kung ipinag-utos ng korte.

Si Robyn Jang Lucero ay ang lady driver na natagpuang tadtad ng saksak sa Calamba, Laguna. Dahil sa tindi ng tinamong saksak ni Jang, marami sa mga netizens ang nais makatulong upang mabigyan ng ito ng hustisya.

Nauna nang naaresto ang dating kasintahan ni Meyah na si Ann Sheila Montes Belarmino.

Gayunpaman, dahil sa kakulangan umano ng ebidensiya, pinakawalan din si Belarmino. Iginiit ng kanyang abogado na hindi siya ang pumaslang kay Jang.

Panoorin ang video dito: