PWD na namumuhay mag-isa, hinangaan sa tindi ng diskarte nito para lamang kumita


Kahanga-hanga ang kasipagan ng isang PWD na nakuha pa ring maglako ng mais sa kabila ng kanyang kalagayan.

Nalaman ng Trending Bytes na sa binti ang kapansanan ng lalaki kaya naman literal na gumagapang ito sa kanyang pagtitinda.

Ayon pa sa nagpost na si Dennis A. Capistrano, nasa sampung kilometro ang ginagapang ng lalaki sa kanyang pagtitinda ng mais na nakalagay sa kanyang backpack.

Napakapositibo rin daw sa buhay ng lalaki kahit nag-iisa lamang ito sa buhay kaya naman nagsusumikap siyang buhayin ang sarili.

Halos ₱50 lang ang kita nito sa 10 balot ng mais na siyang pinagkakasya niya sa isang araw.

Kaya naman pakiusap ng uploader sa sinoman ang makakakita sa tindero ng mais na ito na sana'y matulungan at maabutan ng panggastos sa araw-araw.


"Kung sakaling magawi sya sa inyong lugar, maaari natin syang tulungan na bilhin ang kanyang paninda at bigyan ng tulong para pandagdag sa gastusin nya araw-araw," pakiusap ni Dennis.

Hangad din niya na makaranas ito ng kaginhawahan sa buhay lalo na at masipag naman ito at hindi pabigat kaninoman.