Mister na pinag-aral ni misis sa Australia, sapul sa CCTV ang pagtataksil


Isang misis na may dalawang anak ang dumulog sa tanggapan ng "Raffy Tulfo in Action" upang ireklamo ang kanyang mister na si John Carl Jambaro.


Nalaman ng Trending Bytes na ayon sa misis na si Christlyn Jambaro, tinulungan ng kanyang pamilya ang kanyang mister upang makarating sa Australia.


Pero hindi nila akalain na ito pala ang magiging ugat ng pagtataksil ni mister sa kanya.


Sa kuwento ni misis, ipinasok ng kanyang tiyahin si John Carl sa restaurant niya sa Australia. Laking gulat nila nang makita sa CCTV ang matibay na ebidensya ng pagtataksil nito sa kanya.


Makikita sa video na kahalikan ni mister ang kanyang kabit at talaga namang sweet ito sa isa't-isa.


Sabi ni Christlyn, tinatawagan niya ang kanyang asawa pero ayaw na siyang sagutin nito. Sa huling text ni John sa kanya, sinabi pa raw nito na "pabayaan na siya."


Nabalitaan pa ni misis na kasalukuyan ng magka-live in ang kanyang mister at ang kabit nito.


Mensahe ni misis sa kanyang mister, "Wala siyang awa. Mas pinili pa niya yung kabit niya."


Panoorin ang video dito: