SILIPIN: Tsuper, may nakakatuwang paalala para sa mga pasahero


Naghatid ng maraming tawa sa netizens ang karatulang handog ng isang jeepney driver para sa kanyang mga pasahero.

Matapos kasing magbalik ang operasyon ng ilang jeep noong Hunyo, mahigpit pa rin ang pagpapatupad ng health and safety protocols para makaiwas sa bantang hatid ng COVID-19.

At bilang pagsunod sa mga paalala, naisip ng driver na si Alex Villareal na maglagay ng karatula na naghatid ng good vibes sa mga pasahero.

Sa kanyang Facebook post, makikita ang larawan ng karatula na may nakasulat na, “Pwedeng umutot. Bawal umubo.”

Aniya, “Para sa mga pasahero ko.”


Dahil sa nakakatawang paalala, umani ito ng 14K iba’t ibang reaksyon sa social media.

Nakatanggap din ito ng libo-libong komento mula sa netizens.

Umabot na rin sa 46K ang share nito online.