Ina ni Lloyd Cadena, mayroon nang 1.14 million subscribers sa YouTube



1.14 million na ang bilang ng subscribers sa YouTube ng ina ng yumaong vlogger na si Lloyd Cadena.


Nalaman ng Trending Bytes na noon lamang Agosto 21, naglabas ito ng vlog kung saan ipinagdiwang nila ang pagkakaroon nito ng 300,000 subscribers.


Nagpasalamat noon si Lloyd o kilala bilang si 'Kween LC' sa channel ng ina na 'Mother Kween Vlogs.' Ngunit makalipas lamang ang dalawang linggo, pumalo na sa mahigit isang milyon ang mga tagasubaybay ni 'Mother Kween'.



Ito marahil ang paraan ng mga fans at subsribers ni Lloyd ng patuloy na pagmamahal at suporta sa kanya.


Pawang mga pagluluto at buhay nanay talaga ang laman ng mga videos ni 'Mother Kween'.


Samantala, maging ang ama ni Lloyd na si Jun Cadena ay ay sarili ring YouTube channel ang Biakid360 na may 306,000 subscribers.


Sa kanyang channel, naipaalam ng ama ni Lloyd ang detalye kung paano niya nalamang wala na ang kanyang anak.


Bukod sa pagkagulat, labis din itong naghihinagpis sa biglaang pagkamatay ng anak lalo pa at hindi siya makakauwi pa ng Pilipinas.



Nanghihinayang umano ito na hindi manlang niya nayakap ang anak sa huling pagkakataon bago ito pumanaw.


Setyembre 4 nang mag-post ang pamilya ni Kween LC tungkol sa biglaang pagpanaw nito.


Noong araw na iyon ay di pa nila ipinaalam ang detalye ng pagkamatay ng vlogger na nakapagpasaya at nakatulong sa maraming tao.