Kuya Wil, agad na tinulungan ang caller na walang makain at lubog na sa utang



Nadurog ang puso ng "Tutok to Win it" host na si Willie Revillame sa kanyang natawagan mula sa Rosario Cavite.


Nalaman ng Trending Bytes na pagsagot pa lang ng tinawagan ni "Kuya Wil", umiiyak na bata na agad ang bumungad dito.


Nang kanya itong usisain, wala pa lang gatas na mapaiinom sa sanggol at maging ang ina nito ay hindi pa nakakakain sa araw na iyon.


Kwento pa ng caller na si Anna, nasa labas ang kanyang mister na walang mahanap na hanapbuhay para mghanap ng mauutangan.


Hindi na rin daw sila makahirit pa sa kalapit na tindahan dahil nahihiya umano siya at marami na silang utang doon.


Dahil dito, mismong si Willie na ang kumausap sa may-ari ng tindahan para lang agad na mapakain sina Anna.



Nakausap nito ang anak ng may-ari at agad na pinabibigyan ng gatas ang anak ni Anna.


Ipinakwenta na rin ni Kuya Wil ang utang ni Anna sa tindahan dahil babayaran daw niya lahat ito.


P5,000 ang ipadadala ni Willie sa tindahan para mabayaran ang mga nakuha ni Anna at ang tira ay pampuhunan na ng sari-sari store.


Samantala, P20,000 naman ang para sa pamilya ni Anna na labis na umantig sa puso ng host. Hindi niya sukat akalaing napakahirap ng kalagayan ng mga kababayan nating simot na simot na ang bulsa at wala na maski pangkain sa araw-araw.


Narito ang kabuuan ng video: