Lalaking gumawa ng sariling bisikleta dahil walang panggasolina, viral na



Naging viral sa social media ang isang lalaking nakita ng netizen na gamit ang isang bisikleta na gawa sa kahoy.


Nalaman ng Trending Bytes na naisipan ni Jannifer Cabaya na gumawa ng sariling bisikleta dahil wala siyang pera panggasolina.


Nakunan ng netizen na si Renzie Azucena si Jannifer sa Guimaras noong Sabado at ibinahagi niya ito sa Facebook.




Gawa sa kahoy at gulong ng motorsiklo umano ang bisikleta na ginawa at ginagamit ni Jannifer.


Base sa Facebook post ng News5, isang taga-bantay ng sakahan si Jannifer. Kwento niya, may motorsiklo siya pero wala siyang pera panggasolina kaya naisipan niyang gumawa ng bisikleta.



Labis na namangha naman ang mga netizens sa abilidad ni Jannifer. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook page ng News5:


“Ang ganda ng design ng bike niya. May monoshock sa likuran. Tamang tama di yan masakit kapag nalubak ng onte.”


“ang taba talaga ng utak ng pinoy saludo ako sau kw lang nakagawa nyan”


“my nanalo na uwian na kuya saludo ako sau naway pagpalain ka lagi sa daan at ilayo sa kapahamakan”


“Ang galing naman,madiskarte talaga ang pinoy,ingat po tayo...”