Lloyd Cadena, inatake sa puso at positibo sa COVID-19 ayon sa pamilya



Naglabas na ng pahayag ang pamilya ng yumaong YouTube vlogger na si Lloyd Cafe Cadena, ilang araw matapos itong pumanaw.


Sa pamamagitan ng isang post sa official Facebook account ni Lloyd, sinabi ng pamilya nito na pumanaw ito dahil sa heart attack.


Sinabi rin sa statement na nagpositibo ito sa COVID-19.



"Lloyd was confined in the hospital on September 1 due to high fever and dry cough. He was tested for COVID-19 on the same day which the result came out positive on September 3.


"As soon as the result of his swab test came out, our family, including BNT immediately isolated themselves," ayon sa pahayag.


5:00 ng umaga noong September 4 nang makita raw si Lloyd na namumutla at "unresponsive".


"On September 4, 5am he was seen by the staff unresponsive and pale looking. As informed by the doctor, he suffered a heart attack while asleep."




Na-cremate na rin ang mga labi ni Lloyd na kasalukuyang nasa kanilang tahanan sa Cavite.


Nagpasalamat din ang pamilya sa mga pakikiramay at mga dasal na natanggap nila dahil sa pagpanaw ni Lloyd.


"There are simply no words to express our heartfelt thanks for the prayers and sympathy you have extended to our family during this time of loss."