Lloyd Cadena, namahagi pa ng mga tablets sa kabataan bago pumanaw



Bago pa man ginulat ang madla ng pagpanaw ng sikat na YouTuber na si Lloyd Cadena, nagawa pa nitong tumulong sa ilang kabataan,


Sa isang vlog na in-upload nito noong August 31 sa kanyang official Facebook account, mapapanood ang personal na pamamahagi nito ng mga tablets sa mga karapat-dapat na estudyante.



Tulong ito ni Lloyd upang may magamit ang mga ito para sa distance learning ngayong taon dulot pa rin ng COVID-19 pandemic.


Kita naman ang ligaya at galak sa mga maswerteng nabigyan nito ng tablets, at maging ang mga magulang nito ay nagpasalamat din sa tulong ni Lloyd.


Karamihan sa mga tinulungan ni Lloyd ay mula sa mga mahihirap na pamilya na walang kakayahang makabili ng gadgets para sa online class.



Nagpasalamat naman si Lloyd sa kanyang mga followers o "Cadenators" dahil ito raw ang dahilan kung bakit niya nagagawang tumulong sa mga nangangailangan.


Hindi rin ito ang unang beses na nagbahagi si Lloyd ng tulong para sa marami. Namahagi rin ito ng tulong sa kanilang lugar nang maapektuhan ang marami rito ng pandemic at nawalan ng pagkakakitaan.