Pulis na na-KMJS ang love story, umalma sa paratang na "babaero" siya



Sinagot na ng viral pulis na si Joebert Lacea ang mga paratang na siya ay babaero.


Ito ay matapos mai-ere sa GMA program na 'Kapuso Mo Jessica Soho' ang mala-Koreanovela nilang love story ng nobyang si Richelle Amorcilla.


Matatandaang nag-viral ang pagkikita ng dalawa sa kauna-unahang pagkakataon nang habulin ni Richelle si Joebert na miyembro ng PNP-Special Action Force at madedestino sa malayong lugar sa loob ng tatlong buwan.



Ngunit hindi nagtagal ay lumutang naman ang ilang larawan ni Joebert na may mga kasamang iba't ibang babae.


Isa na rito ang dati nitong kasintahan na isa ring pulis na diumano'y niloko ni Joebert.









Sa isang post sa kanyang Facebook page, nilinaw ni Joebert ang kinakaharap na isyu matapos siyang makatanggap ng pangba-bash online.


Itinanggi ng binata ang paratang na niloko niya ang kanyang ex-girlfriend at maging ang tungkol sa mga babaeng inuugnay sa kanya.