Tim Sawyer, inakusahan ng pananakot ang partner na si China Roces



Isang matinding akusasyon ang inilabas ng internet star na si Tim Sawyer laban sa kinakasama at kapwa vlogger na si China Roces.


Sa isang Facebook post na ibinahagi ni Tim ngayong araw, sinabi nito na tinakot umano siya ni China matapos kuhanan ng video upang gamitin umanong panira sa kanya.


Isang CCTV footage rin ang ipinakita ni Tim sa publiko kung saan makikita ang kanilang pagtatalo.


Sa unang bahagi nito ay makikita si China na mayroon isinusulat habang kumakain naman si Tim kasama ang ilang tao sa bahay.



Maya-maya pa ay makikita na ang pagkuha ni China sa cellphone nito at kinuhanan ng video si Tim.


Ayon kay Tim, humingi sa kanya ng P300,000 si China mula sa kinita nila sa kanilang mga vlogs.


"UNA SA LAHAT ILANG BESES MUNA GINAWA NA GINAGAWAN MOKO NG KWENTO TUNGKOL SA MADAMOT AKO SA PERA.


"PERO ALAM MO UMAASA PARIN AKO NA SANA KAGABI OK NA ANG LAHAT SINABI KO LANG GUSTO KO E SULAT MO AT PUMERMA KA KASI BAKA E DENY MO NA NAMAN DI KITA BIGYAN NG PERMA INSTEAD NA MAGING MASAYA VINIDEOHAN MO PA AKO PARA SAN PARA IPA HIYA NANAMAN AKO SA FACEBOOK AT E LALABAS MO NA NAMAN NA AKO YUNG MAY PROBLEMA SA PERA SATIN DALAWA?" anito.


"NAG KAKA GANITO NGAYON KASI SUMUSUBRA NA SI CHINA NGAYON MONTH LANG NATO NANG HINGI SYA SAKIN NG 100k BINIGAY KO SA KANYA..


"KAHAPON KINUKULIT NA NYA AKO SA ONOTHER 300K NA GUSTO NYA KUNIN SAKIN..PERO ANO GINAWA MO TINATAKOT MO NAMAN AKO VIDEOHAN ULIT GAYA NG PINAPAHIYA MOKO SA MGA TAO !!!!IKAW ANG KAILANGAN MAG BAGO SATIN DALAWA HINDI AKO," sabi pa nito.


Agad namang sumagot si China matapos kumalat sa social media ang post ni Tim. Anito, sinet-up lamang siya ng lalaki upang magmukha siyang masama sa tingin ng iba.


Iginiit din ni China na para sa kanilang anak lang ang kanyang ginagawa.