Mister, sinasadyang mag-iwan ng pera sa pantalon para ganahang maglaba si misis



Muli na namang nag-viral sa social media ang diskarte ng isang mister para ganahan sa paglalaba ang asawa niya.


Nalaman ng Trending Bytes na labis na naiintidhan ni mister ang hirap ni misis sa gawaing bahay.


Ayon sa Facebook post ni Marvien Cascato, sinasadya niyang mag-iwan ng pera sa pantalon niya para raw ma-surprise ang asawa niya at ganahan ito maglaba.




“Hindi biro ang maglaba kaya dapat maisip niyo naman na tirahan niyo manlang nang kahit kunting pera sa bulsa niyo para naman sa bawat paglaba nila ay ma surprise at makabili nang pang-snack,” paliwanag niya.


“Isipin niyo na sa bawat perang binilin niyo sa bulsa ay nakapagpapasaya kayo,” dagdag pa nito.




Samantala, natuwa naman ang mga netizens sa kakaibang diskarte ni mister para sa asawa niya. Tignan ang mga komento rito:


“BAIT MO NAMAN SANA ALL”


“Tama haha”


“Nakakatuwa maglaba kapag ganito.”


“Sana nga at sana all kakapagod maglaba sobra, lalagnatin ka pagkatapos”


"Swerte ko lng kung my mkuwa ko sa asawa ko nyan"


"All right.. Galing! Sana all"