City Garden hotel employees, labis na apektado sa parusang suspensyon



Emosyonal at aminadong hindi maiiwasang sumama ang loob ng ilang mga empleyado ng City Garden Grand Hotel sa Makati kaugnay sa suspensyon na ipinataw ng Department of Tourism sa establisimiyento noong Enero 14.


Maaalalang anim na buwan ang suspensyon ng nasabing hotel, P10,000 fine at pagbawi ng certification to operate ang kanila ngayong kinahaharap.


Ito ay dahil sa paglabag nila sa DOT Administrative Order No. 2020-002-C kung saan mahigpit na ipinagbabawal na tumanggap ng ibang bisita ang isang hotel lalo na kung ito ay pawang para lamang sa "leisure purposes" habang ginagamit ito bilang isang quarantine facility.



Matatandaang ang hotel na ito sa Makati ang lugar kung saan nagdiwang ng Bagong Taon ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera kasama ang kanyang mga kaibigan at kalaunan ay natagpuan siyang walang buhay sa silid na kanilang tinuluyan.


Dahil umano sa insidente, apektado ang kabuhayan ng mga empleyado ng naturang hotel lalong-lalo na ang mga mayroong pamilya na pawang sila ang bumubuhay.


Halos pare-pareho ang kanilang hinaing at umaasang hindi tatagal gaya ng inaasahan ang pagtigil ng operasyon ng hotel. Ito ay dahil binigyan naman sila ng DOT na umapela.


“The hotel has the right to appeal within the period prescribed by the DOT rules and regulations,” ayon sa ulat ng Inquirer kaugnay ng supensyon.


Narito ang video na binahagi ni Tony Balasi sa kanyang YouTube channel kung saan makikita ang mga reaksyon ng empleyado: