Lalake sa viral post noong 2020, hinahanap pa rin ang babae sa jeep na nakatulog sa balikat niya



Isang taon na ang nakalipas nang mag-viral ang post ng netizen na si Arvee Rivera Estacio tungkol sa babaeng nakasakay niya sa jeep.


Nalaman ng Trending Bytes na ang di niya kilalang babaeng ito ay napasarap ang tulog at nagawa pang humilig sa balikat ni Arvee.


Nakunan ng larawan ni Arvee ang eksena nilang ito sa jeep at idinaan sa biro na nais niyang mahanap ang babaeng ito.


"Ate kung sino ka man, salamat at naiparamdam mo saakin na kahit sandali lang nagkajowa ako," Nag bahagi ng caption ni Arvee sa kanilang larawan ng babae.




Nagdadalawang isip pa umano siyang pumara huwag lamang maistorbo ang babae sa himbing ng pagkaka-idlip nito sa jeep.


Subalit isang taon na ang dumaan at hindi pa rin daw umano nahahanap ni Arviee ang babae.


Maging ang mga netizens ay nagsabing baka hindi sila itinadhana sa isa't isa o baka naman hindi na 'single' ang babaeng hinahanap ni Arvee.



Narito ang ilan pa sa mga komento sa viral post:


"May jowa na yan malamang. Bawi na lang next time"


"Baka mommy na po yan. Sobrang pagod lang kaya nakatulog kaya di na rin nagpakilala"


"Naku, baka misis na yan sir. Hanap na lang ng iba"


"Huwag mo na po hanapin. Baka mayari ka po ng mister niyan"


"Move on ka na po, malamang taken na si ate. Pagod lang talaga noon"


Sa araw-araw na pagsakay ng mga pasaherong Pinoy sa Jeep, talagang iba't ibang eksena ang kanilang nararanasan.