Valentine Rosales, inalalang nagka-interes umano si Dacera sa basketball player ng rm. 2207



Isa sa mga naibulalas ni Valentine Rosales ang nabanggit umano sa kanya ni Christine Dacera na may napansin umano itong "handsome" na basketball player sa room 2207.


Nalaman ng Trending Bytes na si Valentine Rosales ay isa sa mga kaibigan ni Christine Dacera na kasama niyang nag-party bilang pagsalubong sa Bagong Taon sa isang hotel sa Makati.


Sa panayam sa kanila ng batikang talk show host na si Boy Abunda, inalala ni Rosales ang nabanggit sa kanya nito tungkol sa isang basketball player na nasa room 2207.


Naitanong kasi ni Abunda kung ano ang posibleng dahilan kung bakit makailang beses na bumabalik si Dacera sa kabilang kwarto.


"I don't want to confirm anything, but I remember Tin telling to me na there's someone handsome in Room 2207. One guy," panimula ng paliwanag ni Rosales.


"I actually looked at him, he doesn't look straight."


"Kasi sometimes if you see someone, hindi mo malalaman kung straight or not."



Ayon pa kay Rosales, inakala rin umano niyang bakla ang lalaking ito dahil lahat daw ng nasa room 2207 ay pawang mga tulad nila.


"Since they're all gays, I assumed he's also gay."


"Tin told me that he was a basketball player. She said, 'hindi 'yan gay, basketball player 'yan.'


"Then I said, 'Oh... I'm not sure, because he looks...'"


"So I just shrugged it off and then I said, 'Okay, I'll just go back to the other room," salaysay ni Rosales.


Matatandaang si Rosales din ang makailang beses na sumundo kay Dacera sa tuwing pumupunta ito sa room 2207.


Sinabihan pa raw umano ni Rosales si Dacera na huwag nang bumalik sa kabilang silid gayung hindi nila kilala ang mga taong naroon.


Narito ang kabuuan ng panayam ni Boy Abunda sa limang akusado sa Christine Dacera na nagpaunlak ng interview: