Mom power! 23-anyos na babae, nag-aalaga ng 11 anak nang sabay-sabay



Inamin ng isang mag-asawa mula sa Russia na nais nilang magkaroon ng 105 biological na anak.


Sa kasalukuyan ay mayroon na silang 10 anak na ipinanganak sa loob lamang ng 10 buwan. Ang una nilang anak ay ipinanganak noong March 10, 2020 at ang kanilang bunsong anak naman ay ipinanganak noon lamang January 16, 2021 batay sa report ng MSN.


Ayon sa kanila, ang mga bata ay mula sa kanila genetically at ipinagbuntis ng mga surrogate mothers.


"The clinic in Batumi chooses surrogate mothers for us and takes full responsibility for the process.


"We are not personally acquainted with surrogate mothers and do not have direct contacts with them in order to avoid problems after pregnancy," sabi ni Christina.


"I don't know how many their will eventually be, but we certainly don't plan to stop at 10," ayon kay Christina sa isang panayam dito.



Pag-amin ni Christina, ang orihinal nilang plano ay magbubuntis siya taon-taon ngunit hindi ito kakayanin ng kanyang reproductive ability.


Bukod sa 10 anak sa mister ay mayroon pang isang anak si Christina. Single mom ito nang makilala si Met sa isang bakasyon. Love at first sight daw ang nangyari sa dalawa ayon sa mga ito, ayon sa isang article ng Daily Mail.


"She is so easy to be with, she always has a smile on her lips and yet at the same time is shy and mysterious," ayon kay Met, isang property and transport magnate.


Aminado si Christina na hindi madali ang pagkakaroon ng maraming anak ngunit sinisiguro raw nito na nakatutok siya sa mga anak.


Hands-on din daw ito sa mga anak at kahit pa may mga yaya ang anak ay siya pa rin daw ang nasusunod sa lahat ng bagay. Mula sa dapat kainin ng mga ito hanggang sa librong dapat basahin para sa mga ito, batay sa isang article ng Straight News Online.