Lalaking nakapagpundar ng sariling bahay naghahanap ng ‘ilaw ng tahanan’



Iba-iba ang pagpapakahulugan ng mga tao sa salitang tagumpay. Ngunit paano nga ba masasabing buo o kumpleto na ang pagtatagumpay ng isang tao?


Kinaaliwan ng mga netizens ang isang Facebook post ng nagngangalang Don Dizon, matapos niyang i-flex ang kaniyang naipundar na bahay at mga property, at ang paghahanap niya ng magiging ‘ilaw ng tahanan’ o sa literal na pagpapakahulugan ay magiging katuwang sa buhay.


“Finally, we’re moving in! Thankful and grateful for this little space to call ‘our very own.’  Yahoo sa wakas! Tagal kong hinintay ‘to! Hindi man kalakihan katulad ng iba pero sabi nga nila lahat naman nag-uumpisa sa maliit,” aniya na tinawag niyang ‘Pangarap at Inspirasyon.’



“Pangarap para sa aking mga anak na magkaroon kami ng sariling bahay. At sila ang aking munting inspirasyon para mabuo ang bahay na ito. All praises go to God because he is the greatest!”


Pero may hinahanap pa nga siya, na siyang bubuo sa kaniyang malaking bahay; ang magiging ‘ilaw’ nito. Pabiro niyang sinabi na naghahanap nga siya ng makakatuwang sa buhay, at inilatag din ang mga magiging ‘benepisyo.’


“Wanted: Ilaw ng tahanan, para lumiwanag na ang aking buhay at ang aming bahay. Budget monthly 15,000 pesos starting. Benefits—SSS, PhilHealth at life insurance. May extra 5,000 pesos GCash pang online shopping kapag lagi malinis ang bahay. Kaya huwag puro heart, wave-wave din mga mars! Char lang mars, apply na!”



Benta naman ito sa mga netizens lalo na sa kababaihan. Ang ilaw ng tahanan ay idyomatikong ekspresyon para sa ‘nanay.’


“Hanap ka na ng ilaw ng tahanan Don. Marami namang emergency bulb o solar light diyan hahaha literal pala eh no. baka maraming mag-aplay niyan, pila…,” pabirong sabi ng isa.


Turan naman ng isa, “Wow iba rin si Kuya! Sabagay, iba pa rin kapag well-established na ang lalaki. Pila na, mga mars!”


“May queue po ba? Mukhang mahaba ang pila eh, hahaha,” sad naman ng isa.


Ikaw, kakasa ka ba sa hamon ni Kuya?