Mystica, binanatan si Jam Magno sa pambabatikos nito kay Rabiya Mateo



Hindi napigilang supalpalin ni Mystic si Jam Magno kaugnay sa mga naging pahayag nito laban kay Rabiya Mateo kaugnay sa binahagi nitong opinyon sa pagkakaroon ng kakayahan ng kababaihan na mamuno.


Ayon kay Mystica, hindi dapat pagsalitaan si Rabiya dahil sa kanyang opinyon dahil iba-iba ang pag-iisip ng bawat tao.



Matatandaang lumikha ng ingay sa online community ang naging pahayag ni Jam kay Rabiya kaugnay sa isyu matapos ihayag ni President Rodrigo Duterte ang kanyang sinabi kaugnay sa bali-balitang tatakbo sa pagkapangulo ang anak niyang si Sara Duterte.


"My daughter is not running. I have told Inday not to run kasi naaawa ako sa daraanan niya na dinaanan ko. Hindi ito pambabae. The emotional setup of a woman and a man is totally different."


Narito ang pahayag ni Mystica laban kay Jam.