Twitter account na nakapangalan kay Jam Magno, suspendido na rin



Bukod sa kanyang TikTok Account, suspendido na rin ang isang Twitter account na nakapangalan kay Jam Magno. Ito ay kasunod ng matinding pambabatikos na kanyang tinamo mula sa mga netizens lalo na ang sumusuporta kay Rabiya Mateo.


Ang nasabing Twitter account ay mayroong halos siyam na libong followers.



Gayunpaman, nauna nang itinanggi ni Jam na pagmamay-ari niya ang nasabing account at isa lang umano ang kanyang official Twitter account. Ito ay matapos sagutin ng kanyang tinutukoy na Twitter account si Janine Gutierrez.



Sa kabila ng mga bashing na tinamo, ayon kay Jam, hindi iyon big deal sa kanya dahil madali lamang dw iyon solusyunan. Kailangan niya lang daw patayin ang kanyang telepono.



Si Jam Magno ay nakilala sa kanyang TikTok videos kung saan kadalasan ay pinagtatanggol niya ang pamahalaan laban sa mga kritiko. Kabilang sa kanyang mga binatikos ay si Ogie Diaz, Liza Soberano at kamakailan nga ay si Rabiya Mateo.