Angel Locsin at Neil Arce, isinapubliko ang tungkol sa kanilang pagpapakasal



Matapos ang halos tatlong buwan, muling nagbahagi ng vlog sina Angel Locsin at Neil Arce sa kanilang The Angel and Neil Youtube channel. Ibinahagi nila ang kanilang naging paghahanda sa paglilipat ng kanilang mga gamit sa kanilang bagong bahay.


Kanya-kanya sila ng pag-eempake sa tulong ng ilang taong malalapit sa kanila.



Gayunpaman, sa dulong bahagi ng video ay isang rebelasyon ang ibinahagi nila.


Hindi na umano sila naghintay ng matagal matapos at nagpakasal na sila. Ilang mga pictures ang kanilang ibinahagi sa dulong bahagi ng video.


Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”




Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.


Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Angel matapos kumalat sa social media ang larawan ng isang module na tila kinukutya ang kanyang pangangatawan.