Madam Inutz, pinakita ang kanyang ina na aniya'y isa sa dahilan ng kanyang pagsisikap



Bentang-benta sa netizens ang pagiging kwela ni Daisy Lopez o mas kilala sa bansag na Madam Inutz na nag-viral kamakailan.


Marami sa mga netizens ang naaliw sa pagiging masiyahin at mapagbiro ng onl;ine seller. Gayunpaman, isa sa kanyang dinadaing ay ang mga taong nag-re-report ng kanyang online selling video.



Mayroong mga taong hindi nagugustuhan ang kanyang paraan ng pananalita. Sa kanyang video na ibinahagi, marami ang naantig sa pagiging mabuting anak ni Madam Inutz dahil sa kanyang pagbebenta nakukuha niya ang kanyang pambili ng pangangailangan ng kanyang ina.


Kaya sana ay huwag na umanong i-report ang kanyang video.


Marami naman sa mga netizens ang lalong humanga sa kanya.




"Sa likod ng palamurang bibig ay napaka mapag mahal na anak mo Lodi."


"Kaya wag niyo ireport yung live ni madam! Mga mapagmalinis kasi."


"Naiyak ako inutzzz. how sweet naman... Pray always, wag pansinin mga inggetra na nagrereport. Di nyo nakikita bakit ganun nalang c inutz mag olnine selling tas kau report ng report"