Anak, naiyak nang mapagtanto ang sakripisyo ng kanyang ama



Marami ang naantig sa ibinahaging kwento ng Facebook user na si Aldi Relqno. Ibinahagi niya ang video na palihim niyang kinuhanan nang maisipan niyang sundan ang kanyang ama na aniya ay bumabangon ng alanganing oras.


Aniya, hindi nila nakakasabay sa pag-kain ang kanilang ama dahil lagi nitong sinasabing busog siya. Doon lamang niya napagtantong pinapaubaya niya ang ulam sa kanila kaya hindi ito sumasabay sa pagkain sa kanila.



Nakita niyang bagoong at sibuyas lamang ang inuulam ng kanyang ama.


Hindi na umano ito nakabalik sa trabaho matapos niyang madisgrasya.



"Si papa Kasi nasagasahan ng truck noong MARCH 18, 2021 na Hanggang Ngayon ay Wala pang nangyayari sa kanyang Kaso Ang pag ka alam ko ay di pa tapos mag-aanim na buwan na Hanggang ngayon Halata ko Kay papa na hirap syang kumilos dahil sa kanyang pilay na hindi pinapahalata sa Amin mag kapatid."