Paolo Contis, nilinaw na hindi si Yen Santos ang dahilan ng paghihiwalay nila ni LJ Reyes



Isa si Yen Santos sa pinakanabatikos sa gitna ng kontrobersiya matapos maghiwalay sina Paolo Contis at LJ Reyes. Si Yen kasi ang tinuturong third party na naging dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.


Gayunpaman, nilinaw ni Paolo na nadamay lamang si Yen at hindi ito ang dahilan ng paghihiwalay nila.



Aniya, siya lamang ang naging dahilan ng pagkakaroon nila ng problema ni LJ.


Kaugnay naman sa Baguio na mga pictures at videos, sinabi ni Paolo na inimbitahan niya si Yen bilang isang kaibigan upang may makausap siya kasunod ng pag-alis ni LJ kasama ang kanyang mga anak.




"Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din."


Iginiit niyang pumunta si Yen doon bilang isang kaibigan.


"She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this."




Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng ""Ang TV."" Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Naging maingay ang pangalan ng aktor kamakailan kasunod ng pag-amin ni LJ Reyes tungkol sa kanilang paghihiwalay.