Paolo Contis, pinabulaanan ang espikulasyong sinasaktan niya si LJ at ang mga bata



Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Paolo Contis kaugnay sa mga isyung binabato sa kanya kasunod ng kontrobersiyal na panayam ni LJ Reyes kung saan kinumpirma nito ang tungkol sa kanilang paghihiwalay.


Ayon sa kanya, kaya siya hindi kaagad nagsalita ay dahil gusto na lamang niya manahimik at tinanggap na lamang niya ang mga pambabatikos.



"After lumabas ang interview ni LJ, katakot takot na pang aalipusta at pambabatikos ang natanggap ko. I can’t say I don’t deserve it kaya tinatanggap ko lang ito."


Dahil marami na ang nadamay, minabuti niyang sagutin ang mga espikulasyong binabato sa kanya.


"I understand all your frustrations. Gusto ko sana manahimik kaya lang marami nang mga nadadamay na hindi dapat kaya mas mabuti sigurong sagutin ko ang ilan sa mga ito."




Mariin niyang pinabulaanan ang akusasyon tungkol sa droga at pananakit.


Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng "Ang TV." Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent.


Naging maingay ang pangalan ng aktor kamakailan kasunod ng pag-amin ni LJ Reyes tungkol sa kanilang paghihiwalay.