Bagong girlfriend ni Rob Moya, sinamahan ni Toni Fowler magpaganda



Muling pinatunayan ni Toni Fowler na walang problema sa kanyang makipagkaibigan sa kanyang ex at maging sa bagong karelasyon nito. Sa kanyang bagong video na ibinahagi ay sinamahan niya ang kasalukuyang girlfriend ni Rob Moya na si Jen.


Kwento ni Toni, kahit maayos ang kanilang pagkakaibigan, hindi mapigilang mabatikos si Jen at isa sa pinupuna umano sa kanya ay ang kanyang gilagid na nakikita sa tuwing siya ay tatawa o di kaya ay ngumiti. Tinatawag umano siya ng bashers na "gilagid girl."



Kaya naman, pinayuhan ni Toni si Jen na ipaayos nila ang kanyang ngipin upang hindi na ito ma-conscious. Sinamahan niya ito sa dentistang nag-aayos at nag-aalaga sa kanyang ngipin.


Habang sila ay magkakasama, mas nag-uusap pa sina Toni at Jen at hindi nila sinasali si Rob sa kanilang tsikahan.


Matapos ang procedure na ginawa upang mabawasan ang nakalabas na gilagid ni Jen, abot-abot ang tuwa at pasasalamat nito sa dentista at kay Toni.




Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuiber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.