Cristy Fermin, nasasaktan sa pagsagot kay Kylie dahil mahal na mahal niya si Robin Padilla



Cristy Fermin, in Cristy Ferminute episode on Oct. 22, enumerated the bonds that she and Robin shared, highlighting the strong friendship they had, which goes way back, at the time that Kylie Padilla was not yet born.


Here is the narration of Cristy:


"Ang kanya pong ama na si Robin Padilla ay mahal ko at nirerespeto ko... Dahil ang nananatili po sa puso at isip ko ay ang karespe-respetong Robin Padilla na nagtatrabaho hindi lamang para sa kanyang pamilya kundi para sa maliliit na manggagawa ng industriya at telebisyon.


Alam mo Kylie, hindi ka pa man nagiging dugo sa sinapupunan ng magiging ina mo, nagtitinda pa lang ng repolyo, bitswelas, carrots at kung anu-anong gulay Baguio sa Scout area, kasama na namin siya.



Sa Scout Tantiado siya nakatira, sa bahay ng namayapang manager niya na si Dikong, si Deo Fajardo...Noon pa lang magkakasama na kami.


Matindi ang kasikatan na inabot ng ama mo. Hindi lang ito simpleng kasikatan, nasa ituktok ng tatsulok ang tatay mo. Pero, sa kabila ng lahat, hindi siiya pinagbago ng kasikatan, ng kanyang popularidad, at pagdagdag ng salapi sa kanyang bulsa.


Nanatiling mapagkumbaba ang tatay mo, mahal ko pati kanuno-nunuan mo. Si Mommy Eva Cariño-Padilla, mga tito at tita mo. Lahat sila mahal ko po.


Gusto ko lang ipaalala sa ýo para mahimasmasan ka kung saan ako nanggagaling."


She then recalled the time that Robin needed to fly to America to be with Mariel, and she was the one whom they sought for help.


"Alam mo ba Kylie, nung manganak sa pangalawang pagkakataon ang Tita mo na si Mariel Rodriguez, ay tinawagan ako ng tatay mo, ni Belchay Vidanes, ng kanyang manager, at ng kanyang abugado, gustong pumunta ng Amerika ng tatay mo para bantayan ang panganganak ni Mariel, para may katuwang si Mariel sa pagsisilang ng kanilang pangalawang anak."




She then told the actress that she was the one whom the manager, the lawyer and Robin himself sought to ask for an affidavit. She did not think twice to help Robin out.


"Ako ang hiningan ng affidavit ng tatay mo, ng kanyang manager at abugado, ng affidavit na ipapasa sa embahada ng Amerika para patunayan kung sino siyang tao, kung anong klase siyang tao, at kung bakit ko ivo-vouch ang kanyang pagpunta sa Amerika.


Ibinigay ko iyon. Ganun katindi ang aming samahan ng tatay mo."


It came to a point that Cristy became emotional, and got a bit teary-eyed.


"Okay, nakulong ang tatay mo. Lagi ko siyang dinadalaw. Lagi kaming magkakasama. Dahil para sa akin, nakagawa man ng pagkakamali ang tao ay hindi natin dapat husgahan. Si Robin, mula noon hanggang ngayon, nananatili si Robin na mapagkumbaba makamasa, at matulungin, sa kanyang kapwa. Yun ang tatay mo sa puso ko."


She then added that it pains her to answer and respond to Kylie.


"Although masakit sa aking kalooban na sagutin ito dahil mahal na mahal ko ang kanyang tatay talaga... Binibimbang na ng buong mundo si Robin Padilla, hindi ako nakikisali, hindi ako nakikisawsaw."