Jason Tesorero, ibinunyag ang laman ng passbook ng kapatid niyang si Mahal



Naibahagi ni Jason Tesorero na 25,000 lamang ang laman ng passbook ni Mahal nang pumanaw ito. Gayunpaman, bago siya namatay ay nakapag withdraw pa umano ang manager nito ng 80,000. Gayunpaman, hinayaan na lamang umano nila iyon dahil inintindi nila ang kalagayan ng manager ni Mahal. Ang kanilang inaalmahan ay ang akusahan silang mukhang pera.



Ito din umano ang dahilan kung bakit may mga fundraising sila para sa ipapatayong museleo ng kanilang kapatid. Dahil hindi umano nila pinapakialaman ang kita ni Mahal, wala silang kaalam-alam na walang pera ang kapatid.


Sa isang ledger na ibinigay umano sa kanila, nakalista ang pera ni mahal ngunit wala umanong naiabot sa kanilang pera. Napag-usapan na umano sana nila ito ngunit kinailangan nilang ilabas ang totoo dahil sa mga paratang sa kanilang pamilya.


Maging ang kapatid nilang nasa Amerika ay nadadamay pa umano gayong may sarili itong pera kaya minabuti ni Jason na ilabas ang katotohanan.




Gayunpaman, nilinaw niyang hindi niya sinisiraan ang Pamilyang Molino o kahit sino pa man.


Si Mahal Tesorero o Noemi Tesorero sa totoong buhay ay unang nakilala sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003).