Heart Evangelista, magbibigay ng P50,000 sa makakapagbalik sa nawawalang aso niya



Nito lamang November 3 ay inilabas ni Heart Evangelista ang picture ng kanyang aso na nawawala. Humingi na siya ng tulong mula sa netizens upang mahanap ang kanyang asong si Luka.


Sa naunang poster na kanyang inilabas, nakalagay ang P10,000 na pabuya sa sinumang makakabalik ng kanyang aso. Napagpasyahan niyang taasan ang pabuya at ginawa niyang P50,000 upang lalong mapadali ang paghanap sa kanyang aso.



Huli umanong nakita si Luka palabas ng Dasma Village sa Alpha Land ayon na rin sa poster na ibinahagi ni Heart.


Nakalagay sin sa kanyang poster na makipag-ugnayan lamang sa numerong 09188882140 ang sinumang makakakita kay Luka.


Isa lamang si Heart sa mga personalidad sa showbiz na kilala bilang mahilig sa pag-aalaga ng aso. Sa katunayan, palaging nakikita sa kanyang mga social media posts ang pinakamamahal na mga alaga.


Marami naman sa kapwa dog lover niya ang nagkomento sa kanyang post.


"Sana makita na your Luka. Masakit, mahirap mawalan ng isang minamahal. Sana hindi mangyari ang ganyan mawala din ang aming MushyBoy, wala kami pang reward at higit sa lahat hindi namin kakayanin. Maisip ko lang baka mawala siya, nagsisikip na dibdib ko. Naiiyak na ako.."




"I know kung ano ang pakiramdam ng naghahanap at nag aalala...sana matagpuan or makauwi na sya."


"I feel you ate .. sobra iyak ko nang nawala aso ko... Though salamat may nka kuha sa kanto at inilagaan..."


Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis. Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis.