Kiray Celis at Senyora, hindi pa tapos ang bardagulan sa social media



Muling kinaaliwan ang bangayan ng aktres na si Kiray Celis at ng kwelang-kwelang social media personality na si Senyora. Sa kanyang bagong post ay binahagi ni Kiray ang kanyang napapansin na umano'y tila ginagaya ni Senyora ang mga bagay na natatanggap niya mula sa kanyang boyfriend.


Gayunpaman, pawang sa aso lamang daw nnnnnnnya ito binibigay dahil wala namang daw jowa si Senyora. Sagot ni Senyora, hindi niya naman kasalanan kung pang aso niya lang ang mga bagay na binibigay ng boyfriend ng aktres.



Marami sa mga netizens ang tila apektado sa sagutan nilang ito at pinanigan ang kanilang mga idolo. Gayunpaman, marami ang naniniwalang hindi naman seryoso ang tarayan nilang ito.


"Ang daming galit ah.Di nyo ba alam na nagbabawas lang yan sila ng stress nagpapa kwela lang. Relax lang kayo kasi parang aatakihin nayong iba jan."




"Hindi yata sila updated na halos araw araw nagbabangayan sa post si Senyora at Kiray Celis HAHAH. Pero hindi totoong magka-away sila, kasi kung totoo yan baka umabot na kay tulfo."


"Hindi yan basher ni Kiray Celis si Senyora noh ganyan lng talaga sila maglambingan.. Hnd ka yata update"


Ang aktres at komeyanteng si Kiray Celis o si Johanna Ismael Celis sa totoong buhay ay sumikat sa industriya ng showbiz nang manalo siya patimpalak na Muntíng Miss U sa noontime show na MTB. Siya ay na-discover sa edad na 4 na taon. Naging isa din siya sa original cast ng Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".