Lolit Solis, natawa sa mga komento matapos isapubliko ng McLisse ang baby nila



Ayon kay Lolit Solis, natawa na lamang siya nang mabasa niya ang komento ng mga netizens sa kanya matapos ang pagsasapubliko nina Elisse Joson at McCoy de Leon ng kanilang pagkakaroon ng anak.


Aniya, kapag binalita niya ay sasabihan siyang pakialamera at tsismosa at kapag hindi ay mahina siyang reporter.



"Natawa ako sa mga comments sa IG ko, Salve. Bakit daw wala akong balita tungkol sa pagbubuntis ni Elisse Joson, ang hina daw ng radar ko, dahil nagka anak ng baby girl pero hindi ko nalaman. Kalokah di bah ? Pag ibinalita mo, sasabihin pakialamera at tsismosa ka. Pag hindi mo sinulat, mahina kang klase ng reporter."


Kaya naman aniya ay hindi na niya sineseryosos ang mga komentong ito. Meron din naman umanong mga komento na nakakadagdag sa kanyang kaalaman at ipinagpapasalamat niya umano ang mga ito.




"Kaya nga ayoko ko ng take seriously iyon mga comments. Pero meron magalang at constructive na talagang grateful ako dahil dagdag knowledge din sa iyo na mabasa ang comment nila. Tutoo nga na don’t waste your time sa mga mahina ang comprehension dahil wala kang matututuhan, duon ka lang makipag usap sa mataas ang mental level para dagdag talino pa."