Mimiyuuuh, pinag-"skrrt" si Vice President Leni Robredo



Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakasama si Vice President Leni Robredo ng vlogger at YouTuber na si Mimiyuuuh sa kanyang vlog. Nakipagbiruan ito kay Mimi at ginawa din nito ang "skrrt" na madalas gawin ni Mimiyuuuh.


Aminado si VP Leni na kahit siya at mga anak niya ay nanonood ng mga vlogs ni Mimiyuuuh kaya masaya siyang naimbitahan siya nito. Marami naman ang humanga kay Mimiyuuuh dahil sa tapang nitong makipagbiruan kay VP Leni;



"When an influencer understands that her huge followers are not trolls and uses her platform to inspire despite the ill effect she may get from trolls and those who differ in political beliefs, I STAN!!!! i salute to you mimi. You are indeed an epitome of courage amidst political quagmire.


I love that VP Leni has a sense of humor and kayang kaya makipagbiruan with Mimi without losing focus on cooking! Yan ang effective multitasker. You are so brave for doing this Mimiyuuuh! for sure madaming mag bash sayo pero go lang! so glad you invited to guest VP Leni she helped us a lot n kaming mga frontliners nung kasagsagan na wala transportation ang mga nurses ginawan nila ng paraan, salamat!! so happy




My Mom and Dad are both BBM. Pero pinanuod nila to tawang tawa sila and naka ngiti sila ( in a very good and kind way ) Sana ganyan din lahat ng tao ganyan. Wala nang siraan kung ano man ang decision ng iba wag nalang sana mag away away."


Sumikat si Mimiyuuuh noong 2019 matapos mag viral sa social media ang kanyang "Dalagang Pilipina" video. Ito ang naging daan upang magkaroon siya ng mga endorsement at napabilang sa mga pinakasikat na social media influencers sa bansa.