Mystica, pumalag sa inilabas na pahayag ni Cristy Fermin kaugnay kay Mahal



Hindi pinalampas ni Mystica ang naging pahayag ni Cristy Fermin kaugnay sa kontrobersiya kaugnay sa pera ni Mahal at sa umano'y relasyon ni Mygz Molino sa manager nila ni Mahal na si Jethro.


Ayon kay Mystica, nararapat lamang na malaman kung saan napunta ang pera ni Mahal. Ani Mystica, karapatan ng pamilya ni Mahal na alamin kung saan napunta ang pera ni Mahal.



Hindi sumang-ayon si Mystica sa pahayag ni Cristy Fermin na pagpahingahin na lang daw sana ang kaluluwa ni Mahal.


Dagdag pa ni Mystica, dapat matigil na ang pagmamanipula nila na totoo ang tambalang MahMygz. Diretsahan niyang sinabi na para kay Mahal, hindi na mahalaga kay Mahal kung may relasyon sina Mygs at Jethro.


Aniya, paniniwala niya ay nasaktan pa rin si Mahal sa kanyang nalaman dahil inilabas umano nito ang kanyang nalaman na inilabas ng isang YouTuber kamakailan.




Matatandaang hindi napigilan nina Jason at mga kapatid niya kamakailan na ipagtanggol ang kanilang pamilya matapos silang akusahan na mukhang pera.


Dito na inilabas ni Jason na 25K lamang ang laman ng passbook ni Mahal.


Si Mystica o Ruby Rose Mauanay Villanueva sa totoong buhay ay isang aktres na nakabilang sa mga palabas kagaya ng Ang Probinsyano (2015), D' Uragons (2002) and Pipo (2009). Tinagurian din siyang 'split queen' nang sumikat siya bilang isang mang-aawit.