Panoorin: Madam Inutz, nag-react sa isyu ng harassment sa PBB: "Galit ako sa taong mapanghusga"



Diretsahang sinab ini Madam Inutz na wala umanong problema sa kanila sa loob ng bahay ni Kuya.


Nalaman ng Trending Bytes na ito ay ibinulalas ni madam Inutz nang upuan at pag-usapan na nilang mga housemates ang di umano'y napupuna ng mga tagasubaybay sa kanila.



Kamakailan ay nag-trending ang "force evict TJ" hashtag dahil sa mga screenshots na di umano'y nagpapatunay na hindi na maganda ang pagiging malapit nito kay Shanaia.


Inalmahan ito ng mga nakakapanood sa kanila dahilan para mapag-usapan na rin ng mga housemates.


"Alam mo walang problema rito, ang problema nasa labas... Makitid ang utak!" pahayag ni Madam Inutz, bagay na sinang-ayunan naman ng kanyang mga kasama.


Subalit, hindi nila ito kontrolado kaya naman minabuti nilang pagkasunduan na maging maingat sa kanilang inaakto sa loob ng bahay.




"Naiintindihan ko 'yung point ni Kuya, alam mo kung san ako galit? Sa taong mapanghusga lang talaga," dagdag pa ni Madam Inutz.


Binigyang diin naman ng PBB host na si Toni Gonzaga na hindi rin pahihintulutan ng Pinoy Big Brother ang anumang uri ng panghaharas sakaling mapantunayan.


Narito ang kabuuan ng kanilang naging usapan: