Panoorin: TikTok video ni Xian Lim kasama si Julia Barretto, agad na nag-viral



Pumalo sa 1.3 million views ang TikTok video na ibinahagi ni Xian Lim sa kanyang TikTok account. Kasama niya si Julia Barretto sa naturang video kung saan sumasayaw sila. May mga netizens naman na nakapansin sa umano'y chemistry nilang dalawa.


Hindi naman maiwasang mabanggit ang pangalan ni Kim Chiu na kasalukuyang kasintahan ni Xian Lim. Ang kasalukuyang boyfriend naman ni Julia ay ang ex-boyfriend ni Kim na si Gerald Anderson.



Kasalukuyang may ginagawang pelikula sina Xian at Julia kasama si Marco Gumabao. Narito ang reaksiyon ng mga netizens:


"In fairness may chemistry pala silang dalawa noh? Sana kung wala lang mga intriga, mukhang maganda ang tandem nila. Sana maisip ng fans na trabaho lang yan. Goodluck po sa lahat ng cast at bahagi ng movie na Bahay na Pula!"


"Naalala ko tuloy nong nagkasama sina Julia at Xian sa PMPC Star Awards 2018. Nagbiro pa siya kung Kuya o Tito ang itatawag kay Xi. Ngayon kasama niya na sa pelikula."




"Sana ma-appreciate ng tao ang talent ni Julia regardless sa mga nangyari. Tutal naman mukhang masasaya na silang lahat at nakapag move on na. Parang mahilig din mag cancel ang mga Pinoy kagaya sa South Korea."