Sachzna Laparan, ibinahagi ang video ng umano'y pulis na aniya'y nanakot sa kanila



Sa isang Facebook post ay binahagi ni Sachzna Laparan ang umano'y dinanas nila sa isang nagpakilalang pulis na aniya'y nanakot sa kanila. Maging ang kanyang kapatid na 15 anyos ay na-trauma daw dahil sa nangyari.


Ayon sa kanya, pina-reserve nila yung katabing upuan para sa kanilang kamag-anak na parating pa lamang. Nang may pumasok na couple, umupo umano ang mga ito sa pina reserve nilang upuan kaya kinausap umano sila ng manager kung pwede silang lumipat ng table.



Hindi umano sila pumayag kaya sila na lamang ang pinakiusapan ng manager. Pumayag umano silang ilipat ang kanilang reservation dahil aniya ay mas malaki ang table na lilipatan.


Inakala daw nilang maayos na ang lahat ngunit nakarinig umano sila ng pagrereklamo mula sa table kung saan nakaupo ang dalawang customer.


"Until narinig naming may mga biglaang rants sa kabilang table at biglang galit nalang ng di namin alam. Nung lumapit yung isa sa mga staff nila to cater their orders.. Tinaasan sya ng boses at sinabing “ Magkano ba lahat ng mga inorder nila, babayaran ko! ( habang nakatingin samin ) At naglabas ng bugkos ng pera sa bag at hinampas sa table. We are shocked by what he did dahil tahimik lang kaming kumakain. Pero binastos kami at nagtanong si mama na ano pong problem and this happens…"


Aniya, na-trauma ang kanyang kapatid dahil sa nangyari ngunit kinausap umano nila at pinaliwanag na hindi lahat ng pulis ay ganoon.


Aniya, binastos sila kaya magsasalita siya lalo at alam niya raw na nasa katwiran siya.




"May mga taong sasabihing sana di nalang pinatulan pero kung ikaw yung nasa sitwasyon, na gusto mo lang kumain ng matiwasay pero LALAPAGAN KA NG PERA AT AAKMAANG SILA PA ANG BINASTOS AT BIBILHIN KA. IKAW NA NAGPARAYA, IKAW PA NAGING MASAMA, AT BABANTAAN NG KUNG ANO ANO. Iba na yun. Magsasalita ako lalo nang alam kong nasa katwiran ako."


Nilinaw niya rin na hindi niya gustong mamahiya. Bagkus ay ibinahagi niya umano iyon para sa awareness ng mga taong maaring makararanas din ng kanilang dinanas.